The Josh Fulgencio's official Online Diary

Inspiring Lives One Journey a Day

IPINAGTATAPAT KO…

1 Comment


Araw-araw marami tayong ginagawa o sinasabi na hindi natin normal na ginagawa. Minsan, akala mo, you have some certain type of control with your actions. TAMA naman. Pero SA TOTOO LANG, kailangan nagpapakatotoo ka once in a while. May makakapagsabi bang lagi kang totoo sa sarili mo at sa harap ng ibang tao? Hmm.. Kasi SA TOTOO LANG, lahat naman tayo PLASTIK. Gayunpaman, may mga pagkakataong hindi mo kailangang magbalat-kayo – marahil sa harap ng mga tunay na nagmamahal sa’yo o sa mga pagkakataong hindi mo naman talaga dapat ipagkanuno ang sarili mo para matanggap ka ng mga nasa paligid mo. Minsan, pwede namang hindi maging over-protective sa mga gagawin at sasabihin. Dahil SA TOTOO LANG, ang kailangan natin ay MAGPAKATOTOO. šŸ™‚

Kaya naman, siguro sapat lang na dito ako maglabas ng pagpapakatotoo ko. HAHA!

1. IPINAGTATAPAT KO… hanggang ngayon ay nanood at naeenjoy ko pa rin ang cartoons. Hindi dahil gusto kong mag-feeling bata dahil bata pa naman talaga ako *char*. Siguro, paraan ko na rin yun ng escapism sa lahat ng issues. Cartoons ang may pinakamagaang weight sa lahat ng storylines. haha!

2. IPINAGTATAPAT KO… gusto ko talaga ng mga BANAT quotes. Corny – GIVEN – pero naeenjoy ko ang pagtanggap at pagbasa ng mga yun sa text man o sa mga social networking sites. Pakiramdam ko naman, hindi yun ginagawa for the sake na makapagpatawa lang. Kung baga may lambing sigurong kasama. *haha*

3. IPINAGTATAPAT KO… kumakain ako ng marami kapag depressed, hindi mapakali at galit. Automatic sa’kin yun, pero hindi ko rin alam kung bakit. Siguro escapism din.

4. IPINAGTATAPAT KO… malapit ako sa mga LALAKE. Lilinawin ko lang, MALAPIT ako sa mga lalake at hindi LAPITIN ng mga lalake (nag-iingat lang dahil minsan nang nahusgahan, haha). Pero hindi ibigsabihin niyan e mas marami akong kaibigang lalake. Magkasing-dami lang. Actually, marami talaga akong kaibigan *haha* at ipinagpapasalamat ko sa Diyos yun. XP

5. IPINAGTATAPAT KO… madalas magulo ang kwarto ko. Marami akong witness dyan *oyea! lagot*. Lalo na yung mga papel, libro, o basta mga lagi kong ginagamit para sa “pagbubutingting” ko. Gusto ko kung saan ko iniwan, doon ko lang ulit makikita. Kaya kapag may nag-ayos na ng kwarto ko, naiinis na ko kapag hindi ko na makita yung gamit ko. HAHA! Journalist ako e.

6. IPINAGTATAPAT KO… inuupuan ko ang mga kwento (nagets mo?). I mean, handa akong makinig sa kahit na anong uri ng kwento, lalo na kapag mahalaga sa akin yung taong nagkekwento. Kahit gaano pa sya kahaba, katagal o kaarte magkwento, hindi pwedeng matutulugan ko sya o magpapa-affect sa distractions – kailangan wala akong ma-miss. hahaha! Medyo yun ata dahilan kung bakit nabawasan din nang bahagya ang pagiging madaldal ko *char!*.

7. IPINAGTATAPAT KO… mahilig ako manghiram ng GM nang may GM *nyahahaha!*. Pero syempre hindi naman yung GM na hindi naman sensible. Kung baga yung naaliw din ako, pinapasa ko lang din sa distribution list ko. HAHA šŸ˜€

8. IPINAGTATAPAT KO… i listen to intensively noisy ROCK songs (ahmm.. that includes Screamos. sorry naman ha?). Pero pinipili ko naman yung mga pinakikinggan ko. Kahit na i love listening to rock songs, I’m still a lyrics person. So when I’m in to the lyrics, I don’t care how loud it gets anymore. *haha*

9. IPINAGTATAPAT KO… kapag birthday ko, hindi pwedeng hindi ako nakasuot ng YELLOW. Obviously, favorite kong color yun šŸ™‚ And I see to it that I wear an amazingly bright yellow clothe on that day.

9. IPINAGTATAPAT KO… lumalayo ako sa madla kapag may kausap ako sa cellphone at ayokong marinig nila ang pinag-uusapan namin *wwhhooaa!!!*. Totoo naman kase, kung di naman nila kailangang malaman, dapat walang ibang nakakarinig sa mga sasabihin ko. hahaha! (Nako, umamin na kayo, ganyan din ginagawa nyo!) *char!*

10. IPINAGTATAPAT KO… kapag galit na galit (NA GALIT) ako, I do VERBAL ABUSE. Hindi naman kasi ako mabilis magalit. At sa totoo lang, when I’m angry is the most diplomatic state I could ever be at. Hindi ako maingay o naninigaw o maraming sinasabi pag galit. Iniisip ko ng matindi kung anong sasabihin ko. Kaya ayun, as it turns out, nagiging verbal abuse. *oww, sorry.*

Advertisements

Author: thejoshfulgencio

Miriam Joshua Fulgencio is the name. The stuff that make her happy are seeing, hearing, feeling and doing things that makes her feel tingly. She loves being maximized for something she is really passionate about. There are things she naturally hates but she believes that once she gets to know them better, she'll like them eventually. She loves dancing, writing, making people laugh and listening to stories of her friends, be it close ones or the contrary. She loves her family very much. She is dedicated to reiterating that there is no denying nor altering the truth that every single person on earth is NOTHING without Jesus in their lives. :)

One thought on “IPINAGTATAPAT KO…

  1. Wow, parang advertisement ng Milo — be honest šŸ˜€
    It’s great that we also get to see the other (or weird) side of you, Josh šŸ™‚
    Loving the natural you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s